Advertisers
Kulong ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Quezon City, Huwebes ng gabi, Oktubre 15.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ruel Cruz, 26; at John Rafael, 29-anyos.
Sa report, nakumpiska ang tatlong pirasong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na aabot sa 10 gramo na may kaukulang halagang aabot sa P68,000.
Mahaharap ang 2 suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)