Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TINULUYAN na ng Soft Rock Diva na si Rozz Daniels ang beteranong singer na si Ivy Violan dahil nagsampa na ito ng demanda sa OPM singer.
Naghain na ito ng civil case kay Ivy sa Wisconsin since based doon ang Pinay singer.
Lahad pa ni Rozz, nagkaroon na nga raw sila ng preliminary hearings kung saan dalawang beses nang hindi nagpapakita ang dating singer.
Sa kasong isinampa niya, layunin niyang mabawi ang lahat ng kanyang nai-advance sa OPM singer lalo pa’t hindi nito tinupad ang terms ng kanilang agreement.
Naniniwala rin siyang malakas ang tsansa niyang ipanalo ang kaso dahil mabigat ang pinanghahawakan niyang mga ebidensiya.
Ayon naman sa kaibigan nitong si Irelyn Arana, kailangang magpakita ni Ivy sa nasabing korte sa Tate dahil kung hindi ay posibleng magkaroon ng isyu ang singer sa kanyang citizenship lalo na’t green card holder ito.
Dagdag pa niya, willing din daw siyang tumestigo sa kaso ni Rozz against Ivy.
Gayunpaman, wala pa raw siyang balak magsampa ng demanda sa aktres not unless na ma-trigger siya o kung idemanda rin siya ng veteran singer.
May feelers kasing nakarating na balak din ni Ivy na maghain ng asunto sa dalawa.
Matatandaang nag-ugat ang sigalot nina Rozz at Ivy dahil kinontrata silang talents ni Ivy kung saan kapag may shows sila ay entitled ito sa komisyon.
Ngunit iba ang nangyari sa kanilang napag-usapan.
Ipinag-compose raw sila nito ng mga kantang ini-record nila na sila pa umano ang gumastos at nagpaluwal ng pera para sa kanilang recording.
Ang siste, nangako raw si Ivy na lalakarin nito na ma-release sa Viva Records ang kanilang mga pinaghirapang kanta para sa isang album.
Sa ngayon, iisang kanta pa lang daw ang na-release ayon sa kanilang napagkasunduan.
Nilinaw naman niya na hindi sangkot ang Viva Records sa asunto niya sa veteran singer dahil labas ito sa usapan nila ng huli.
Si Rozz ay nakilala sa “The Rocks and Rozz Show” kung saan kasama nito sina Irelyn, entertainment editor Blessie Cirera at promising singers Harold Evangelista, Derf Dwayne at Jerome Sangalang.Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Ivy Violan sa civil case na inihain ni Rozz.