Advertisers
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean na tinutugis sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling.
Kinilala ang suspek na si Choi Sungsun, 33.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dinakip si Sungsun sa tinutuluyan nito sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ang pagkakaaresto kay Sungsun dahil sa mission order na inisyu ni Morente nang ipaalam ng mga otoridad ng South Korean na nagtatago ang susepk sa Pilipinas.
Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, kasama si Sungsun sa Interpol red notice na inisyu noong August 11, nang mag-isyu ang Busan court ng warrant of arrest laban dito.
Kinasuhan si Sungsun ng fraud sa korte sa kanilang bansa dahil sa pagpapatakbo ng illegal gambling sites sa internet at nagtayo rin ng private online gambling sites sa Pilipinas
Kasalukuyang nakadetine si Sungsun sa CIDG habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test. (James de Jesus)