Advertisers

Advertisers

DILG INIIMBESTIGAHAN ANG ‘SRI” NG MGA PULIS

0 250

Advertisers

INIUTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang pag-imbestiga tungkol sa pamamahagi ng service recognition incentive (SRI) sa mga pulis para sa taon 2022 matapos mapaulat na marami sa mga pulis ay nakatanggap lamang ng halagang mas mababa sa dapat nilang matanggap.

Nagsalita sa harap ng mga mamamahayag sa DILG main office sa Quezon City Lunes ng tanghali, humingi si Abalos ng guidance mula sa Department of Budget and Management (DBM) tungkol sa polisiya sa payout ng incentive.

“Papa-imbestigahan muna natin yan within PNP, ibabato din natin kay chief (Gen. Benjamin Acorda Jr.). Pero we should be guided by DBM about this. Kasi it’s savings from each department, ‘yung mga policies tungkol dito (We will investigate that first within the Philippine National Police, we will also refer that to chief (Gen. Benjamin Acorda Jr.). But we should be guided by DBM regarding this. Because this is based on the savings from each department, those are the policies regarding this),” paliwanag ni Abalos.



Si President Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng kanyang Administrative Order (AO) No. 1, ay pinayagan noong December 2022 ang pag-release ng isang one-time SRI para sa mga empleyedo sa executive branch.

Sa AO ay pinayagan ang pagbigay ng isang one-time SRI sa parehong rate na ‘di lalagpas sa P20,000 para sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng executive department.

Noong Enero, sinabi ng noo’y PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., na base sa ulat na natanggap mula sa PNP Finance Service, lahat ng qualified personnel ay nakatanggap ng pare-parehong rate ng P7,000.

Pero lumabas sa isang kolum sa news website nitong May 5 na karamihan sa PNP personnel ay nakatanggap lamang ng SRI na P4,000.

Kamakailan ang PNP ay nag-isyu ng memorandum circular na nagbabawal sa kanilang personnel na mag-post ng kanilang mga reklamo sa social media, partikular tungkol sa grant ng SRI 2022.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">