Advertisers
NASA Timor-Leste na, mula Cambodia, si suspended 3rd District Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr.
Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na humihiling si Teves na mabigyan siya ng political asylum.
Aniya, ang bagay na ito ay masusing pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ).
Pero nilinaw ni DOJ spokesman, Atty. Mico Clavano, na binibigay lamang ang political asylum kung ang isang pulitiko ay nakakaranas ng harrasment sa kanyang bansa.
Si Teves ay akusado sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang indibidwal noong Marso 4, 2023 sa mismong tahanan ng gobernador sa bayan ng Pamplona,
@@@
DADAGDAGAN pa ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong murder na kinakaharap ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr.
Ito’y nang mamatay ang isa pang biktima sa Pamplona massacre.
Ayon sa Justice Department, plano nilang gawing 10 multiple murder cases ang kaso ni Teves mula sa siyam.
Kinilala ang ika-10 biktima ng pamamaril noong March 4 sa Pamplona, Negros Oriental na si Fredilino Cafe Jr. alyas “Putok”.
Nabatid na labas-pasok sa ospital si Fredilino dahil sa mga natamo niyang malubhang pinsala sa katawan bunga ng pamamaril.
Sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla, sisikapin nilang maihain ang karagdagang kaso laban kay Teves ngayong linggo.
Aniya, aamyendahan nila ang naunang reklamo dahil sa pagkamatay ng isa pang biktima.