Advertisers
POSIBLENG ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang isa sa mga reklamo kaugnay ng “missing sabungeros” dahil sa “lack of time and evidence”, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“Kasi hindi enough ‘yung hawak na evidence para ating ma-charge ang isang tao at ‘yung panahon ay kulang-kulang na,” ani Remulla.
“We operate by periods here kung how many days that they can be pending, how many days prior to any action by the prosecutors before filing. But if we can’t file information, we have to dismiss it without prejudice,” dagdag niya.
Hindi inihayag ng Justice secretary kung aling kaso ang tinutukoy niya.
Subali’t, ayon sa opisyal, maaaring ihain muli ang reklamo.
Tiniyak niya sa mga pamilya ng sabungeros na hindi nila susukuan ang kaso.
“We will not be shirking from our duty. It’s just that technically we have to do it but we are not running away from it because we still consider these cases to be open and we are waiting for them to be refiled at the proper time,” giit ni Remulla.
Nauna nang inihayag ni Remulla na bubuo ng tracker teams para tugisin ang mga suspek na sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong 2022.
Sinabi rin niya na hindi pa huli ang lahat matapos ihayag ng pamilya ng isang nawawalang sabungero ang pagkadismaya sa matagal na pagbuo sa tracker teams.