Advertisers
MAHIGIT na sa tatlong dekada nang namamayagpag ang legalized gambling na binalangkas ng pamahalaan upang tuluyang lipulin ang illegal numbered game na jueteng, ito ay ang Philippine Charity Sweepstakes Sponsored Small Town Lottery (STL).
‘Ngunit kung ating babalikan ang kasaysayan, matatandaang tatlong taon simula nang unang mag-operate ito noong 1987, ay sinuspinde ang pagpapatakbo nito dahil sa malawakang korapsyon at lalo pang paglala ng operasyon ng ipinagbabawal na jueteng sa bansa.
Muling binuksan ang pagpapasugal ng STL noong 2006 sa atas naman nang noon ay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ngunit kasunod ng pagpapatigil sa operasyon ng PCSO sponsored Lotto noong July 2019 ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinuspinde rin ang STL.
Katulad ng mga naunang suliranin sa STL, korapsyon din ang naging dahilan ng pagpapahinto nito, di rin mapigilan ang paggamit sa ligal na STL bilang prente naman ng iligal na jueteng.
Gayunman muli itong pinabuksan ni PRRD makalipas lamang ang halos ay isang buwan na suspensyon. Magkasabay na namang nahinto ang Lotto at STL nitong buwan ng Marso 2020 nang magsimulang manalasa ang COVID 19 pandemic.
Sa kabila naman ng mahigpit na babala ni Pangulong Digong na sugpuin ang bawal na pasugal ay hindi napatigil ang jueteng sa iba’t-ibang panig ng bansa, kabilang na rito sa maraming parte ng rehiyon ng CALABARZON at MIMAROPA.
Kaya naman sa muling pagbibigay ni PCSO Chairman at GeneraL Manager Royina Garma ng permiso upang muling makapag-operate ang STL, ay lalong naging talamak ang operasyon ng jueteng sa mga siyudad at bayan na balwarte ng mga jueteng operator sa bansa.
Pinaka-noturyus ang Batangas sa CALABARZON at ang Oriental Mindoro sa MIMAROPA sa larangan ng pajueteng ng mga gambling operator gamit na front ang STL at Perya ng Bayan. Kaya ito na naman ang jueteng!!!
Sa kapakanan ng ating mga magigiting na heneral ay una nating kilalanin ang mga jueteng operator na kasalukuyang naghahari sa Batangas na nasa ilalim ng hurisdiksyon ni PNP Region 4-A director, PBG Vicente Danao Jr.
Hindi natin malaman kung bakit parang mga inutil ang ilang hepe ng kapulisan sa lalawigan ng Batangas pagdating sa pagbaka sa illegal drugs at gambling operators.
Sa Lipa City, ang mga untouchable jueteng operator na sangkot din sa kalakalan ng droga at gun-for hire ay sina Anang Tomboy alias Macoy, Icaro, Gary, “Lipa City Big 4,” Kap Randy, Brgy. Sulok; Kap Carling, Brgy. Bulacnin; Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion; Kap Gonzales- Brgy. San Benito; alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto. Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak; Lorenz- Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy-Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Yema- Brgy. Pangao, Kap Wanita at Kap. Fernan komokontrol sa jueteng sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 na barangay ng Lipa City.
Munisipalidad ng Malvar: Rico at Banog, kapwa kilalang shabu pusher at nag-ooperate din ng jueteng sa mga barangay ng Poblacion, Bagong Pook, Bulihan, San Gregorio, Bilucao, Luta del Norte, Luta del Sur, San Fernando, San Andres, San Isidro East, San Juan, San Pedro 1, San Pedro II, San Isidro East at San Juan.
Sto. Tomas City : Alex ng Brgy. San Roque, malapit sa Police Sub-Station at Lito ng Brgy. San Jose at Brgy. San Miguel. Kontrolado nina Lito at Alex ang kubransa ng STL bookies sa 30 barangay ng naturang siyudad.
Sa bayan ng Padre Garcia ay sina alias pulis Agaran at Rocafort ng Brgy. Maugat West, Kap. Tisoy, Brgy. Banaba, Sambat at Poblacion at Kap Idol, Bukod sa sugal, sina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol ay nagpapatakbo ng kalakalan ng iligal droga at ng lahat na uri ng iligal na hanapbuhay sa nabanggit na bayan at kanugnog nitong munisipalidad.
Sa bayan ng Mabini ay si alias Villanueva ang jueteng cum STL operator. Ito rin ang supplier ng shabu sa mga naturang bayan at sa kanugnog na munispalidad ng Bauan at San Pascual.
Wala namang aksyon laban sa laganap na kalakalan ng droga at jueteng sina Lipa City Police, LtCol. Antonio Rotol Jr., Malvar Police Chief, P/Capt. Robert Fajardo, Sto Tomas City Police Chief, LtCol. Rosell Del Mundo Encarnacion, Chief of Police ng Padre Garcia at Mabini Municipal Police OIC PEMS Nilo C. Olaco.
Maaring takot ang mga police chief sa mga drug at gambling financier, pagkat bukod sa may high ranking police protektor ang mga nasabing iligalista ay kaalyado pa ang mga ito ng karamihan sa mga alkalde ng nasabing lungsod at mga bayan o kaya ay tumatanggap sila ng lingguhang suhol sa mga drug at gambling operator?
Marahil kailangan nila ng gulpi de gulat nina General Danao Jr., at Batangas PNP Provincial Director, Col. Rex Arvin Malimban…Iyon nga lang, kung sila nga ay aaksyon? Sundan natin…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.