Advertisers

Advertisers

LGUs nakahanda na sa posibleng pagbayo ng El Niño

0 116

Advertisers

NAKAHANDA na umano ang mga Local government Unit sa buong bansa na tugunan ang posibleng pananalasa ng El Nino sa malaking bahagi ng bansa ngayong taon.

Sinabi ni League of Provinces of the Philippines Chairman at Quirino Provincial Governor Dakila Cua, may nakahanda nang calamity fund ang bawat LGU, oras na kailangan ito ng mga apektadong mga residente.

Ayon kay Cua, kampante rin siya sa kakayahan ng bawat LGU, lalo na at maganda ang pundasyon ng mga Disaster Risk Reduction Council, sa mga Provincial, Municipal, City, at maging sa mga brgy level.



Nauna na rin aniyang nakikipag-ugnayan ang League of Provinces of the Philippines, sa Department of Education upang pangunahan ang kanilang kampanya para sa tamang paggamit ng tubig, kasama na ang pagtiti[id dito.

Makikipag-ugnayan din aniya ang nasabing council sa Department of Agriculture, upang matiyak na nakahanda ito, oras na mangailangan ng tulong ang mga residente, lalo na ang mga magsasaka at mga mangingisda.

Ani Cua, kasama sa kanilang kampanya ngayon, sa bawat LGUm at ang tamang tamang paggamit ng ng irrigation water, kasama na ang posibilidad ng cloud seeding para sa mga magsasaka.