Advertisers

Advertisers

Tanga! Pulis escort natakasan ng babaeng preso

0 107

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang isang pulis nang matakasan ng babaeng drug suspect ilang minuto nang isailalim sa inquest proceedings sa Sta. Rosa City, Laguna, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasibak na pulis na si Cpl. Jeffrey Pagpagon, nakatalaga sa Sta Rosa City Police Station, na nahaharap ngayon sa kasong ‘negligence’.

Sa ulat ng CALABARZON Police Office, 1:17 ng hapon nang matakasan ng presong si Alice Reyes ang nasabing pulis nang eskortan sa tanggapan ng city prosecutor.



Kasalukuyan hinihintay ni Pagpagon ang mensahe ng Duty Assistant City Prosecutor Clerks and Secretary nang pansamantala nitong iwan ang nasabing preso na walang posas para sunduin umano ang isa pang preso sa male dormitory ng Sta. Rosa City Police Station jail sa Brgy. Tagapo upang isalang din ito sa inquest proceedings.

Gayunman, nang balikan ng nasabing pulis ang naturang inmate ay hindi na niya ito matagpuan.