Advertisers

Advertisers

Inside job? Holdaper at saleslady timbog

0 118

Advertisers

TINATAYANG mahigit P10 milyong halaga ng gintong alahas ang kinulimbat ng isang lalaki sa jewelry store sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang naarestong lalaki sa follow up operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) na si Jeffrel Logronio na nahaharap sa kasong ‘qualified theft’.

Sa report ng MPD-Station 11, 9:02 ng umaga ng Sabado nangyari ang insidente sa jewelry shop sa 764 F Torres St., Sta. Cruz na pag-aari ng negosyanteng si Patrick Oraa.



Sa kuha ng CCTV, makikitang tinutukan ni Logronio ng baril ang saleslady na si Cheril Vandidato, 39 anyos, ng Naic, Cavite, saka inilabas ang isang green eco bag mula sa kanyang backpack at inabot sa saleslady .Matapos kunin ni Zaragosa ang eco bag, ibinalik ni Logronio ang baril sa kanyang backpack na noo’y isinisilid na ng saleslady ang mga gintong alahas na may kabuuang timbang na 3.5 kilos na may katumbas ng P10.5 milyon.

Sa pagsisiyasat, itinuring na kasabwat ang saleslady at nagkaroon ng ‘inside job’ dahil hindi agad ito humingi sa saklolo upang ipagbigay-alam ang nangyaring holdapan sa jewelry store.

Dahil dito, ipinagharap din si Zaragoza ng kasong qualified theft.

Sa follow up operation ng mga operatiba, naaresto si Logronio at narekober ang milyon-milyong halaga ng gintong alahas.

Initurn-over na ang mga alahas sa Criminal Investigation and Detective Unit ng MPD bilang ebidensya.(Jocelyn Domenden)