Advertisers

Advertisers

Estudyante nahulog mula 10th floor

0 153

Advertisers

NASAWI ang isang kolehiyala sa Maynila nang mahulog mula sa isang gusali sa Malate, Manila, Biyernes ng gabi .

Kinilala ang biktimang 21-anyos at nag-aaral sa Mapua, nanunuluyan sa Goldmine Tower sa Malate.

Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, 11:56 ng gabi nang mangyari ang insidente.



Mula sa 10th floor ng nasabing condominium unit, bumagsak ang biktima sa parking area ng SLTEAS Phoenix Solution INC.

Bagama’t naisugod pa ng ambulansya ang biktima sa Manila Adventist Hospital, binawian din ng buhay 3:56 ng madaling araw ng Sabado.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente. (Jocelyn Domenden)