Advertisers
PATAY ang mag-asawa nang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, San Pablo City, Laguna, Sabado ng gabi.
Sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, natutulog sa kanilang kuwarto ang mag-asawa 9:30 ng gabi nang paulanan ng bala ang kanilang bahay.
Tumagos ang mga bala sa dingding ng bahay na gawa sa light materials at natamaan ang mga biktima.
Dead on the spot ang mag-asawa dahil sa mga tama ng bala sa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ayon sa mga kaanak, wala silang alam na kaaway ng mga biktima.
Isinantabi ng pulisya ang motibong robbery dahil walang nawala sa mga gamit ng mga biktima at wala ring indikasyon na pumasok ang mga salarin sa bahay. (Mark Obleada)