Advertisers
PATAY ang sampung miyembro ng Daulah Islamiya at 2 sundalo habang 13 sundalo ang sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at terorista grupo sa Dafu Salibo, Maguindanao.
Ayon sa ulat, 5:30 ng madaling araw ng maka engkwentro ng mga elemento ng 57th Infantry Battalion ang pinagsanib na elemento ng Daulah Islamiyah sa ilalim ng pamumuno ni Toraype at Bansamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa pamumuno naman ni Karialan sa Brgy. Penditen, Datu Salibo, Maguindanao.
Tumagal ang bakbakan ng dalawang grupo hanggang 11:30 ng umaga na nagresulta ng pagkasawi ng 10 terorista at 2 sundalo at pagkakasugat ng 13 sundalo at ‘di naman matiyak kung ilan ang sugatan sa panig ng terorista grupo.
Patuloy naman ang pagtugis ng militar laban sa mga tumatakas na mga terorista. (Mark Obleada)