Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAG-sorry noong Lunes si Sarah Wurtzbach dahil sa ginawa niyang rant laban sa kapatid na si Pia Wurtzbach sabay sabing dapat tantanan na ng mga bashers ang kanyang kapatid.
Sa isang Instagram Story, niresbakan ni Sarah ang mga netizen na naghe-hate kay Pia. Aniya, “Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything. If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.”
Medyo nalabuan ang ilan sa mga pinagsasabi ni Sarah, lalo na’t nagpasabog siya ng posts noong Sunday na nagdidiin sa Miss Universe 2015 bilang pabayang kapatid.
Ayon kay Sarah, hindi raw siya sinuportahan ni Pia noong panahong inuudyukan siya ng nanay nilang si Cheryl Alonzo Tyndall na hiwalayan ang asawang si Charlie Manze dahil wala na raw itong pera.
Dagdag pa ni Sarah, hindi na raw siya makahingi ng tulong-pinansyal kay Pia. Ano kaya ang dahilan at biglang ipinagtatanggol ngayon ni Sarah si Pia matapos niya itong sirain sa mata ng publiko?
Na-realize kaya niya na mali ang ginawa niya na siraan ang mismong kapatid? O baka kinausap na siya ni Pia at inayos na nila ang dapat ayusin?
***
SOBRANG happy si Iza Calzado dahil sulit ang lahat ng hirap at pagod nila para sa seryeng Ang Iyo Ay Akin.
Patuloy kasi itong sinusubaybayan ng televiewers, hindi sila bumibitaw sa panonood. Kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng sumusuporta sa kanilang programa.
“Salamat sa lahat ng mga nanonood. We feel so deeply blessed talaga na people are watching despite our situation now with the network and everything that has happened. ‘Yung fact na nakapagpatuloy lang kami, malaking bagay na. Ngayon na mainit ‘yung pagtanggap, mas ginaganahan kami. Sa mga oras na pagod, ‘yon talaga ang binabalikan namin,” sabi ni Iza.