Advertisers

Advertisers

PTTF CHIEF TING LEDESMA BUMILIB KAY BOLANTE NG MARILAO TABLE TENNIS CLUB

0 257

Advertisers

“THIS boy plays so wel. Alexis (Bolante) is the first to pass my challenge here and won”.
Ito ang impresyon at papuri ni Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma kay Bolante ng Marilao Table Tennis Club- grupo ng mga batikang ‘young and adult’ pingpongers sa Bulacan na pinamumunuan ni businessman/sportsman Rolando Roque.
Pinasasalamatan ni Ledesma si Roque sa pakikipagtulungang maiangat ang antas ng larong pingpong sa kanilang bayan sa pagtuklas pa ng mga young potentials tulad ni Bolante na kailangan lang na madiskubre.
“I urge the table tennis enthusiasts in Bulacan to continue supporting young table tennis players then kami na sa national ang mag-hone ng mga natatanging talento”, saad ni Ledesma na nasa kasagsagan ng kanyang pingpong tours sa Metro Manila at karatig – lalawigang Batangas, Laguna, Cavite at ngayon ay sa Bulacan ‘with observance of health protocol’.
Si Bolante na nasa kanyang ‘young table tennis carreer ay humakot na ng mga prestihiyosong achievements tulad ng pagiging kampeon at Most Valusble Player(MVP) plum sa ’95th NCAA Table Tennis Season, gold medalist sa team event sa hinataw na Nanjing Global Cup noong nakaraang taon at 23rd Jawards Cup champion bago ang outbreak ng pandemya at iba pang bridesmaid finishes sa iba’t – ibang torneo.
Sa kanyang pingpong tours ay kaakibat sa programa ni ‘Hotponger’ Ledesma (national table tennis player noong kanyang athletic year ) ang hamunin ng actual game ang mga kabataang tablenetters bilang barometro rin ng PTTF’s talent search (challenge) nationwide.(Danny Simon)