Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGTAMO ng mahabang sugat sa mukha ang isang babae nang hiwain ng blade ng nakaalitan nitong bilas sa Caloocan City.
Kinilala ang biktima na si Gyra Pepito, habang ang salarin ay ang kanyang bilas na si Amie Fuentes.
Nag-ugat ang alitan ng magbilas noon pang Setyembre dahil sa pagbabayad sa bill ng kuryente.
Nitong Oktubre 6, nauwi na sa pisikalan ang alitan ng dalawa matapos pumunta sa isang handaan.
Bumababa raw ang biktima sa silong kungsaan nakatira si Fuentes.
“Bumaba siya tapos minura niya ako. Tapos sinampal niya ako,” sabi ni Fuentes.
Dito na raw nagdilim ang paningin ni Fuentes at hiniwa ang mukha ni Pepito sa pamamagitan ng blade na kagagamit pa lamang niya sa pagtanggal ng balahibo ng baboy.
Hindi bababa sa 33 tahi ang ginawa upang maisara ang mga sugat ni Pepito sa mukha.
Nagpasya naman si Pepito na hindi na magsampa ng kaso laban kay Fuentes.(Beth Samson)
Prev Post
Next Post