Advertisers

Advertisers

Maja aminado, binebenta ang regalo ng mga ex-dyowa; Romnick umayaw sa ‘Probinsyano’ dahil sa buntis na gf

0 221

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NILINAW ni Maja Salvador ang isyung nagbebenta o binebenta nito ang mga regalo sa kanya ng mga dating dyowa.

Sa harap ng kasalukuyang dyowa na si Rambo Nuñez, inamin ito ni Maja sa online show ni Robi Domingo.



Sinabi ng aktres na true raw na binenta nito ang bigay ni Rambo na desktop computer.

Halos lahat daw ng mga nagregalo sa kanyang ex ay isa-isa na nitong ibinebenta.

Dagdag pag-amin pa ni Maja na  nagamit niya ang iba sa kanyang travel pero halos lahat naman daw nang napagbentahan ay napunta sa charity.

Sa kabilang banda ay never naman daw na-offend si Rambo kahit binenta pa ni Maja ang bigay nitong regalo na computer.      Kahit naman si Rambo ay may mga tanong din sa gf kung bakit nga ba binebenta nito ang mga regalo sa kanya.

Ayon pa kay Maja, kaya agaran daw ang pagbebenta nito ay para mawala na ang alaala ng ex-bf.



***

MARAMING nanghihinayang at wala na pala sa Ang Probinsiyano ang mahusay na aktor na si Romnick Sarmenta.

Paliwanag ng kampo nito na hindi ito tinegi kundi kusa umanong umayaw ang aktor.

Hindi raw nito kinaya ang lock-in taping sa Batangas.

Nag-aalala raw kasi si Romnick dahil buntis ang live-in partner nito na si Barbara Ruaro.

Sa February ay isisilang na ang kanilang anak na tinawag nila na Little Bean.

Marami at nanghinayang at ‘di pa umabot ng isang taon si Romnick sa serye ni Coco Martin. Bumilib naman ang marami sa husay ng aktor bilang kontrabida..

Waiting pa si Romnick kung may bagong offer sa kanya ang Kapamilya network ngayon, sa A2Z channel ng Zoe TV channel 11 o may planong mag-jump si Romnick sa TV5?

Samantala, hindi naman nagkukulang si Romnick na dalawin at suportahan ang mga anak sa ex-wife na si Harlene Bautista lalo na nga raw sa online classes ng mga ito.

Kung happy si Romnick kay Barbara ay ganun din si Harlene dahil sa bago nitong dyowa na anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

Well, well, well…’Yun na!