Advertisers

Advertisers

Sanya Lopez bagong ‘yaya’; FDCP 100 films ang ipalalabas sa PPP4

0 260

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BONGGA si Sanya Lopez, huh! Siya kasi ang napili ng GMA-7 para gumanap bilang bida sa primetime series na First Yaya.

Ang First Yaya ay unang inoper kay Marian Rivera. Nag-backout siyang gawin ito dahil sa lock-in taping.



Hindi niya kasi kayang hindi nakikita’t nakakasama ang kanyang mag-aama na sina Dingdong Dantes, Zia at Ziggy. Naintindihan naman ng Siyete ang naging desisyon ng mestisang aktres.

Makakasama ni Sanya sa nasabing serye bilang leading man si Gabby Concepcion, sa papel na presidente ng Pilipinas. At siya ang magiging yaya ng tatlong anak nito. Kaya siya tatawaging First Yaya.

Congratulations, Sanya!

***

INIHAYAG ni FDCP Chairperson at CEO Liza Dino, sa pamamagitan ng virtual presscon noong  Oktubre 8  ang mahigit 100 pelikulang ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magkakaroon ng kauna-unahang online na edisyon ngayong taon mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.



Present ang mga artista at director ng mga entry ng PPP4. Ang PPP4 ay isang omnibus project na pinangungunahan ng FDCP. Tampok dito ang mga pelikula mula sa mga lokal na film festival tulad ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival pati na rin mula sa iba’t ibang producer at regional film festival, ang PPP Retrospective, ang Lab portion ng Sine Kabataan Short Film Competition, at ang CineMarya Women’s Film Festival.

Ayon kay Chair Liza, “This year’s PPP is a solidarity event that aims to encourage support for Philippine Cinema in light of the devastating effects of the COVID-19 pandemic. It aims to propagate the love for Filipino films among audiences and help sustain the country’s film industry that is gravely affected by the COVID-19 crisis.

“The FDCP is glad to announce that all proceeds will be given to producers involved in the festival through revenue sharing.”

Ang mga section ng PPP4 ay ang Premium, Classics, PH Oscars Entries, Tributes, Romance, Youth and Family, Genre, Bahaghari, PPP Retro, Documentary, at From the Regions, kasama ang Sine Kabataan at CineMarya.

Nagbigay ng bahagyang listahan ang FDCP noong inilabas nito ang PPP Early Bird Rate Festival Pass noong Setyembre 30.