Advertisers

Advertisers

PAGDURA SA PUBLIC PLACE BAWAL – DOH

0 446

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) na huwag dumura sa mga pampublikong lugar upang hindi kumalat ang sakit o virus.
Ayon sa DOH, base sa pag-aaral ng Travel Medicine and Infectious Disease, ang viral load sa isang pagdura ay mas malaki ng 100,000 beses kaysa sa bilang ng virus na inilabas sa loob ng 18 oras sa isang araw na pag-ubo.
Kumakalat umano ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplets mula sa tao kaya pinayuhan ang publiko na huwag dumura kung saan-saan.
Kung hindi maiwasan ay maaring gumamit ng tissue at itapon ito ng maayos sa basurahan.
Paalala pa ng DOH, na laging tandaan ang BIDA dahil ito ang may disiplina.
B – Bawal ang walang mask at face shield
I – Isanitize ang mga kamay
D – Dumistansya ng isang metro at
A – Alamin ang totoong impormasyon. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)