Advertisers
IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) ang umano’y pagpapalabas ng P291 milyon na halaga ng hazard pay sa kanilang mga empleyado.
Sa 2019 annual audit report ng COA, lumalabas na P236 milyon sa hazard pay ay napunta sa regular employees at P55 milyon naman para sa mga casual employees.
Ipinamahagi ang naturang pondo noong 2016 hanggang 2019 kahit nilalabag nito ang Republic Act 7305 o ang Magna Carta for Public Health Workers (PHW) at iba pang rules and regulations.
Nilinaw ng COA na ang pagpasa sa Universal Health Care Law ay nakasaad na ang PhilHealth employees bilang health workers, pero ang kanilang entitlement para sa benefits at allowances kabilang na ang hazard pay na nasa ilalim ng magna carta ay hindi absolute dahil subject pa rin ang naturang batas sa provisions at regulations. (Josephine Patricio)