Advertisers

Advertisers

CHR UMASISTE SA SAN JOSE DEL MONTE CITY!

0 412

Advertisers

Kamakailan ay nagpasaklolo na ang mga residente sa isang NATIONAL GOVERNMENT HOUSING na nasa SITIO PARTIDA, BRGY. MUZON, SAN JOSE DEL MONTE CITY sa COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) dahil sa dinadanas nilang harrasment o panggigipit ng mga nagpapakilalang mula sa PUBLIC SAFETY AND SAFETY OFFICE (POSO) sa naturang lungsod ng lalawigang BULACAN.

Base sa PRESS RELEASE na inimail ng NATIONAL ANTI PO-VERTY COMMISSION (NAPC), ang SANDIGAN NG MARALITA PILIPINO HOME OWNERS ASSOCIATION (SMP HOA) na binubuo ng 800 URBAN POOR MEMBER BENEFICIARIES sa nasabing housing unit project ay nagsipangutang ng hanggang 400,000 bawat benipisaryo mula sa SOCIAL HOUSING FINANCE CORPORATION. Ang pagpapatayo ng mga bahay ay natapos noong July 2019 subalit ang naitakdang turnover ceremony noong October 18, 2019 ay nakansela.

Noong November 18, 2019 matapos ang pagpupulong ng mga representante mula sa SHFC, DILG, LGU SJDMC ASSISTANT ADMINISTRATOR ATTY. RIZALDY MENDOZA at ng SMP HOA Inc.., ay inihayag ni ATTY. MENDOZA na tinanggap na ni CITY MAYOR ARTHUR ROBES ang housing project ng SMP HOA Inc na dapat ay may kuryente’t tubig na.



Gayunman, nitong July 23 ng kasalukuyang taon ay may 10-kataong nagpakilalang mula sa POSO ang puwersahang pumasok sa housing premises at nang pigilan ang mga ito ng SMP HOA Inc ay nagkaroon na ng girian at harrassment at ang grupong POSO ay nagtawag ng reinforcement.

Sa pakikipanayam ng ARYA kay NUPSC/NAPC COUNCIL MEMBER JESUS PANIS ay naihayag nito na ang grupo ng POSO ay isinasangkalan na ang lugar ng housing project ay kukunin umano ang 40% para sa proyektong ilulunsad ni MAYOR ROBES.

Isinaad ni PANIS na hindi umano maaaring kuhanin ng LOCAL GOVERNMENT dahil ang lugar ay isang NATIONAL GOVERNMENT PROJECT at ninanais nito na makaharap ng SMP HOA Inc si MAYOR ROBES.., subalit hindi umano sila binibigyan ng pagkakataon ni CITY ASST. ADMINISTRATOR ATTY. MENDOZA dahil ang rason nito ay siya ang itinalaga sa naturang isyu.

PAGING MAYOR ROBES.., baka puwedeng pagbigyan mo ang hirit ng SMP HOA Inc na makaharap kayo para sa ikalilinaw hinggil sa isyu.. siyempre pa hindi maiaalis sa isipan ninuman na magduda kung totoo nga ba ang mensaheng ipinararating ng mga taong gumagamit sa iyong pangalan kahit sabihin pang mga kawani o opisyal nyo sila!

***



MAY DEMOKRASYA BA SA USAPING “BARRIER”?

Hindi ko maiwasang mapailing sa sitwasyon ngayon dahil tila unti-unti nang nababawasan ang demokrasya sa ating gobyerno at unti-unti ay napapalitan na yata ng pagiging “MILITARISTIC” na dapat ay “OBEY FIRST BEFORE YOU COMPLAIN” tulad na lamang sa ipinagpipilitang paglalagay ng BARRIER sa mga motorsiklong mag-aangkas.

Marami nang LGUS at mga NON GOVERNMENT ORGANIZATION (NGO) ang nagsasaad sa kanilang pagtutol para sa pagpapairal ng BARRIER dahil hindi ito safe kundi malalagay lamang sa peligro ang buhay ng nagmomotor.

Tila kung ano ang maisip ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) COVID-19 at ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ay iyon na ang ipaiiral nilang batas at dapat na iimplementa naman ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).., pero, bakit kaya walang.komontra sa kapulisan lalo na ang mga MOTORCYCLE UNIT ng PNP na batid nila ang peligro e tikom na lang ang bibig at gagawin na lamang ang OBEY FIRST BEFORE YOU COMPLAIN?

Sa tingin ko at sa obserbasyon ng marami nating kababayan ay hindi marahil nakipagkomunikasyon ang IATF at DILG sa mga MOTORCYCLE EXPERT na dapat ay isinagawa nila ito bilang bahagi ng DEMOCRATIC GOVERNMENT.

Anumang batas na dapat ipairal ay kinakailangang dumaan sa pakikipagdayalogo sa.mga concern group upang makabuo ng sistema at mga pamamaraan sa mga lilikhaing panuntunan o batas.., na prosesong ipinaiiral sa isang demokratikong bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.