Advertisers

Advertisers

Motorsiklo nahulog sa bangin: Mag-ina, patay

0 133

Advertisers

NASAWI ang mag-ina at nabalian ng braso ang ama nang mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa bangin sa Barangay Napo, Carcar City, southern Cebu nitong Biyernes, Abril 21.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rosalinda Arnejo, 48 anyos; at Given One Elles, 10, kapwa back riders ng motorsiklo na minamaneho ni Warlito Elles Jr., 46, common-law partner ni Erlinda.

Sa ulat, nangyari ang insidente 10:00 ng umaga.



Ayon kay Lieutenant Colonel Ardioleto Guardiano Cabagnot, hepe ng Carcar City Police Station, residente ang mga biktima ng Barangay Mambaling, Cebu City na nanggaling sa Sitio Kalangyawon sa Barangay Napo upang magpagamot sa “faith healer” sa sakit ng anak.

Pabalik na sana ng Cebu City ang mga ito nang maganap ang aksidente.