Advertisers

Advertisers

Fetus inabandona sa styrofoam sa tindahan

0 124

Advertisers

Natagpuang nakasilid ang isang fetus sa loob ng isang styrofoam box sa isang tindahan sa Barangay Munting Pulo, Lipa City, Batangas noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Lipa City police, 8:00 ng umaga, maglalagay sana ng yelo sa stryrofoam ang may-ari ng sari-sari store na si Auria Montenegro, pero laking gulat nito ng pagbukas ng box nang makita nito ang patay na sanggol.

Kaagad niyang ipinagbigay alam sa pulisya ang natuklasan.



Hindi naman malaman ng may-ari kung paano napunta sa styro box ang fetus.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang nag-iwan ng fetus.