Advertisers
Nasabat ang aabot sa P800,000 halaga ng illegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Floridablanca, Pampanga at Angeles City sa nakalipas na dalawang araw.
Ang buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba mula sa Floridablanca police sa Barangay Bodega, Floridablanca nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na nasa drug watch list na kinilalang sina Joel Sanque, alias “Joel,” Aida Mira, alias “Bidang,” at Randy Escotillon, alias “Randy.”
Nakuha mula sa kanila ang marked money, caliber .45 pistol STI Grandmaster, caliber .45 magazine na kargado ng anim na bala, weighing scale, Camelbak sling bag, cellphone, at tatlong plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 53 gramo at nagkakahalaga ng P363,000.
Samantala sa Angeles City naman, naaresto rin si Jessica Nucum, pasok sa drug watchlist kasama ang kasabwat nitong si Jhonnel Montalbo sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pulung Maragul.
Nakuha naman sa mga ito ang tatlong plastic sachet na tumitimbang ng 52 gramo ng hinihinalang shabu at may estimated value na P354,000.
Sa hiwalay naman na operasyon sa Barangay Santa Trinidad, Angeles City nasukol naman ang miyembro ng Sputnik Gang na pasok din sa drug watchlist na kinilalang si Elton Menor.
Nakuha mula kay Menor ang caliber .38 na rebolber, tatlong bala, marked money, at tatlong heat-sealed sachet na naglalaman ng 10 gramo ng shabu na may estimated value na P68,000.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.