Advertisers

Advertisers

Mommy nagpapa-‘dede’ ng 2-month old baby, nabaril ni Tserman

0 356

Advertisers

NASAWI ang isang ina habang nagpapa-dede ng kanyang 2-buwan pa lamang na anak nang tamaan ito ng ligaw na bala mula sa pagpaputok ng kapitan ng barangay sa Lake Sebu, Koronadal City.
Kinilala ang salarin na si Rudy Tomas, kapitan ng Brgy. Takunel.
Ang biktima ay nakilalang si Gina Blunto.
Ayon kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, nagpa-party si Tomas sa isang river resort sa Barangay Tasiman nang magkaroon ng alitan sa mga kasamahan nito na mga lasing na sa alak. Kinuha ng opisyal kanyang kanyang baril sa kanilang barangay vehicle at nagpaputok.
Aksidente namang tinamaan sa kaliwang bahagi ng mukha si Blunto habang nagpapasuso ito sa kaniyang sanggol.
Umaapela ngayon ang anak ng biktima na si Eljin sa barangay kapitan na sumuko na at tulungan sila sa mga bayarin sa bahay-pagamutan.
Kasalukuyang inihahanda na ang mga karampatang kaso laban sa tumakas na punong barangay.