Advertisers
UMABOT sa 177 na mga babaeng basketball players ang pumasa sa Womens National Basketball League (WNBL) pool nitong Martes.
Ang ilan ay mga dating national team players ang kabilang sa final pool na magbakasali na makapaglaro sa WNBL’s second season.
Nangunguna sa dating nationals ay si Gemma Miranda, na miyembro ng Gilas Pilipinas Women’s team na naglaro sa FIBA Womens Asia Cup.
Ang 25-year old forward ay kabilang sa Gilas Womens roster sa nakalipas na Southeast Asian Games pero hindi nakapaglaro dahil sa anterior cruciate ligament injury.
Kasama rin sa dating Philippine squad members ay sina shooting guard Raiza Dy, point guard Angelie Gloriani, center April Lualhati, at forward Camille Sambile, Mary Joy Galicia at Marites Gadian, ang kabilang sa pinakamatandang players sa pool sa edad na 38.
Fille Claudine Cainglet, nakababatang kapatid ni volleyball star Fille Saint Merced Cainglet-Cayetano, ay kabilang din sa final draft pool.
Dating Ateneo center Tina Deacon ang pinakamatangkad sa pool na six-footer.
Si Deacon ay naglaro sa inaugural staging ng WNBL nakaraang taon bago na sanctioned ng Games and Amusement Board.
Lahat na naglaro sa WNBL last season ay kailangan sumailalim sa draft.
Ang 177 players ay sasailalim sa draft combine, kapagnatapos ng NBL ang kanilang third season sa loob ng bubble sa Bren Z.Guaio Convention Center sa San Fernando City, Pampanga.