Advertisers
UMAASA si Philippine national boxer Eumir Marcial na suportahan pa rin siya ng Association of Boxing Alliance (ABAP) sa pagsisimula ng kanyang training para sa professional fights.
Nasa US na kasi si Marcial para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.
Nais din kasi ni Marcial na makasama sa training si coach Don Abnett ang ABAP coaching consultant at boxing head coach Ronald Chavez.
Bilang respeto rin aniya ay nararapat na kasama ang mga ABAP boxing coach dahil nalalapit na rin aniya ang Tokyo Olympics.
Kabilang kasi ang middleweight boxer sa Olympic qualifiers kasama ang boksingerong si Irish Magno, pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.
Magugunitang noong Hulyo ay nagdesisyon itong maging professional subalit nangako ito na hindi niya tatalikuran ang pagsabak sa Olympics.