Advertisers

Advertisers

PBA: Paint Masters brinotsa ang Beermen

0 187

Advertisers

Laro Ngayon
AUF Gym
4:00 PM NorthPort vs Phoenix
6:45 PM Ginebra vs Blackwater

 

NAUNGUSAN ng Rain or Shine Elasto Painters ang San Miguel Beermen 87-83 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.
Naging susi sa panalo ang ginawang three-point ni Rey Nambatac sa natitirang 12 seconds ng laro.
Mula pa sa simula ay humahabol na ang Beermen kung hanggang isang puntos na lamang ang kalamangan ng Rain or Shine 82-81.
Lubos ang kasiyahan ni Rain or Shine coach Caloy Garcia sa ginawa ni Nambatac.
Nagtala ng 25 points si Javee Mocon habang mayroong 15 points si Kris Rosales at 12 points si Beau Belga.
Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Marcio Lassiter, 18 points ni Alex Cabagnot at 17 points, 11 rebounds ni Moala Tautuaa.
Sa isa pang laro binuhat ni Ray Parks Jr. ang TNT tropang Giga upang iwasiwas ang Terrafirma 112-101.
Kumamada si Parks ng 40 big points, 10 rebounds at 5 assists para sa TNT.
Ikinatuwa naman ni TNT head coach Bong Ravena ang ipinamalas na laro ng koponan dahil sa mula sa umpisa ay naging malakas sila.
Nag-ambag naman ng 20 points at 15 rebounds si Troy Rosario para sa TNT.
Magugunitang nitong Linggo ay nagtala ng 45 points career-high si Roger Pogoy ng TNT.