Advertisers

Advertisers

LEBRON, PINAIYAK SI SPOELSTRA?

0 227

Advertisers

TOUCHING moment din sa NBA Finals na napaiyak si Fil-Am Coach ERIK SPOELSTRA ng MIAMI HEAT matapos tuldukan ng LOS ANGELES LAKERS ang salpukan sa Game 6 (103-96) sa kartadang 4-2, Lunes, Oktubre 12, na nagtanghal kay LEBRON JAMES bilang Finals Most Valuable Player (MVP). Kung kayo po ang babasa sa scenario, bakit kaya napaluha ang magaling na kabayan nating coach na ex-mentor ni LEBRON?

Totoo naman na overwhelming ang katatapos na 2020 NBA Finals sa Walt Disney Bubble sa Orlando, Florida, USA. Sobrang nagpakabog ang HEAT na mas pinasiklab ng husay nina JIMMY BUTLER,TYLER HERRO, BAM ADEBAYO, DUNCAN ROBINSON, KENDRICK NUNN, ANDREI GUODALA at JAE CROWDER sa sanib-pwersang atake at tactics versus LAKERS na liyamado sa liderato ng tandem LEBRON JAMES-ANTHONY DAVIS with RAJON RONDO, DWIGHT HOWARD, DANNY GREEN, et al.

Dalawang Finals MVP ni LEBRON sa MIAMI HEAT ang pinagsamahan nila ni SPOELSTRA, imagine, yung 4-years nila as mentor-protegee, pareho silang markado. Hula ng marami, kasama yun sa nagpaluha kay Coach. Tingin namin, mixed emotion yun, bilang mentor ng tinitingala at maihahanay sa living legends ng NBA na si LEBRON, naitapat niya ang isa pang hawak na top team. muntik pang sumilat sa LAKERS na 2020 NBA Champs ngayon, sa titulong langhap na rin ng HEAT? Walang itulak-kabigin.



FOR THE LOVE OF KOBE BRYANT

NAGING Finals MVP rin ng CLEVELAND CAVALIERS, obvious ang toil and determination ng lumipat na si LEBRON para mahablot ng LAKERS ang korona, tribute kay LAKERS superstar KOBE BRYANT who passed away last year by plane crash with daughter Gianna and 7 colleagues.

Ikinukunsidera na in the future, iuukit din sa tropeo ang pangalan ni LEBRON, magretiro man, tulad ng KOBE BRYANT TROPHY na ibinigay ngayong 2020. Certainly, part niyan ang pagiging mentor ng kabayan nating si Coach ERIK SPOELSTRA. Kudos!

PBA VIRTUAL FANS, MAY
CHANCE SA AUDIENCE SLOT

PWEDE na po ang live audience sa PBA Bubble sa Angeles University Foundation (AUF) GYM sa Clark, Pampanga. Ayon kay Commissioner WILLY MARCIAL, unti-unting inaayos ang audience accommodation after trial run last Sunday. Around 60-70 persons ang isisingit manood sa venue simula October 19, sa 250 heads per game, as per TV5. Pwede pong mag-register for PBA Virtual Fans, join na po, hanapin lang sa PBA page sa FaceBook ang procedure. Good luck!



OCTOBER CHEERS

HAPPY BIRTHDAY to Crocodile Park Model KATRISHA ALAINESTRONG, DAN ROSSETTI SANTOS ALEJO, Engr. FLORANTE F. SANTOS, LOISE ANN SANTOS-YU, MYRNA S. REYES and Mam ANNIE IGNACIO. May you all be showered with the Lord’s best blessings. HAPPY READING!