Advertisers
Panawagan lang sa lokal na pamahalaan ng San Isidro, Nueva Ecija. Bakit pinayagan ang mga junk shop sa loob ng subdivision lalo na sa barangay, malapit sa Villegas subdivision, parang mga kabuteng umusbong ang mga junk shop sa ingay kapag naghahakot ng kalakal, ‘di na makapahinga ang mga katabing bahay at ang kalsada sakop na ng mga sasakyan ng junk shop at yung lamok sa tambak na kalakal ay delikado sa tao. Sana maaksyunan. – Concerned citizen
Inutil mga opisyal sa Brgy. 337?
Report ko po kay Mayor: Dito sa Brgy. 337 zone 34, yung PayMaya namin ang tagal na wala pa. Yung mga opisyal dito pag wala kang lagay di aasikasuhin, lalo na yung si “LV” pag wala kang lagay manigas ka. Botante ako, dyan nakarehistro, wala ako nakukuhang ayuda dahil lumipat na ako ng bahay. Dami dyan di rin nakatira pero may biyaya kasi pinsan kamag-anak o sipsip sa brgy. pati yung kagawad “L” nakatunganga lang pero may sahod. Dapat d2 alisin na, wala ka aasahan sa mga opisyal dito. Daming adik at pusher dito sa Brgy. 337, di naman iniintindi ni Chairman Padernal. Ewan! – Concerned citizen
Panawagan sa Quezon City Building Permit Office
Panawagan namin sa Quezon City Building Permit Office d2 sa Del Monte community civic organization, Barangay Del Monte, may legal battle pa kami sa korte. Sana naman antayin natin na magdesisyon ang korte bago nyo demolish ang aming komunidad di ba ‘no court order no demolish’. Sana naman galangin natin ang batas, kasi may mga tao d2 sa aming komunidad na bigla nalang lulusob at gigibain ang pinipili nilang bahay na may kasamang security guard na sabi raw ng building permit office ng Quezon City na gibain ang bahay. Aksyon naman po tayo. Natatakot na ang mga residente namin. Tulungan nyo po kami. – Concerned resident ng Brgy. Del Monte