Advertisers

Advertisers

MALASAKIT NI GM MONREAL PARA SA MGA TAUHAN NG PALIPARAN

0 410

Advertisers

Muling ipinakita ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang mga nasasakupan.

‘Yan ay nang buksan niya ang isang COVID-19 hotline kung saan maaring tumawag ang mga tauhan ng airport, maging MIAA o ‘service providers,’ para sa anumang katanungan maroon sila ukol sa COVID-19. Ang Hotline 3187 ng MIAA ay bukas 24 oras araw-araw.

Layunin din ng pagtatalaga ng isang ‘dedicated extension line’ na tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagpapanatiling ligtas at malusog ang lugar kung saan nagta-trabaho araw-araw ang mga tauhan ng paliparan, laluna sa gitna ng pandemya. “The government is making efforts to lessen the unwanted impact of the pandemic in our economy. Being a vital part of the aviation industry, airports must keep operations going. Our employees are essential to our operations and the best we can do is give them a safe workplace,” ani Monreal.



Habang lumilikha ng mga hakbangin ang MIAA laban sa pandemya, itinatag din ni Monreal ang ‘COVID-19 Task Force’ upang tiyakin ang mabilis na responde sa mga health-related services sa mga suspected cases ng COVID-19. May mga nilikha ring occupational safety at health standards upang mapigilan o makontrol ang pagkalat ng nasabing nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Nagpalabas din si Monreal ng “No Mask, No Entry” policy na mahigpit na pinatutupad sa mga paliparan, bukod pa sa temperature checks sa mga pasukan. Sa oras na may sinumang makitaan ng 38-degree centigrade temperature, lalupa’t nakapagpahinga na ng limang minuto, ito ay agad na iuulat ng guard on duty sa Task Force sa pamamagitan ng COVID-19 hotline para sa kaukulang aksyon.

Mahigpit ding ipinatutupad ang physical distancing, good hand hygiene at cough etiquette at ineengganyo ni Monreal ang lahat na obserbahan din ang kanilang mga sarili para sa maaring sintomas ng COVID-19.

Sinuman na na-expose ay maaring tulungan ng responding medical team na siyang maga-assess sa empleyado at depende sa kondisyon nito, maari ding makipag-ugnayan ang MIAA sa pinakamalapit na ospital o sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) kung saan siya nakatira.

Sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, nagsasagawa ang Task Force ng disinfection sa kanyang workplace, kasabay ng contact tracing na maaring na-expose sa may COVID at pagpapasailalim sa mga ito sa 14-day home quarantine.



Tuloy-tuloy din ang libreng COVID rapid testing sa mga empleyado tatlong beses isang linggo. Ayos, GM Monreal!!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.