Advertisers

Advertisers

Kung dati puro sayaw sa ASAP… Maja pakakantahin sa ‘Sunday Noontime Live’ ng TV5

0 240

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

INILUNSAD kamakalawa ng TV5 at ng Cignal TV ang kanilang tatlong bagong programa sa tinaguriang Bigger, Better BER Months.

Sa isinagawang virtual presscon, nakausap ng entertainment press ang ilan sa cast members ng mga show na prinodyus ng Brightlight Productions sa pangunguna ng President/ CEO na si ex-Cong. Albee Benitez.



Sa kanyang paunang pananalita, sinabi ni former Cong. Benitez, “It’s time that all of us should work together. Right now, I don’t think there should be a network war.”

Binanggit din niya na ang mga artista ay dapat bigyan ng flexibility at payagan na magtrabaho kung saan available.

“I think that should be our landscape moving forward,” dagdag pa niya.

Dumalo sa nasabing mediacon ang stars ng Sunday musical variety show na Sunday Noontime Live (SNL)na sina Catriona Gray, Maja Salvador, Jake Ejercito at Donny Pangilinan.

Tsika ni Maja, tinanggap anya niya ang SNL dahil kay Mr. M (Johnny Manahan) na itinuturing niyang ama-amahan sa showbiz at ilang taon na rin niyang kasama sa Star Magic at ASAP.



Dagdag pa ng aktres, nagpaalam naman umano siya nang maayos sa mga boss niya sa Kapamilya Network at naintindihan ng mga ito na kailangan niyang magtrabaho.

Forever grateful daw si Maja sa ABS dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maipakita ang kanyang talento sa pagsasayaw at pag-arte at hindi anya niya ‘yun makalilimutan.

Gayundin, inamin ng magandang aktres na nakararamdam daw siya ng pressure sa pagsisimula ng  SNL dahil pakakantahin umano siya rito.

“Kung sa ASAP po dati eh ilang taon ako sumasayaw, dito sa Sunday Noontime Live ay pakakantahin naman ako,” sey ni Maja.

Para naman kina Catriona, Jake at Donny, pawang sinabi ng mga ito na bagong challenge sa kanila ang pagkakaroon ng musical variety show at titiyakin anya nila na mabigyan ng magandang panuorin ang viewers tuwing Linggo.

Ang Sunday Noontime Live ay mula sa direksyon ni Johnny Manahan at kasama rin si Piolo Pascual. Magsisimula na itong mapanuod sa October 18,  12:00NN-2:00PM.

Maari rin itong mapanuod ng kaparehong araw bandang 8PM sa Colours Channel 202 HD and Channel 60 SD sa Cignal TV.

Sina Beauty Gonzales, Jane Oineza, at RK Bagatsing naman ang mga bida sa romance drama series na I Got You ni Direk Dan Villegas at mapanunuod na sa Oct. 18, Linggo, 2:00-3:00PM.

Tsika ng tatlong bida na pawang nagmula rin sa Dos, nagpapasalamat umano sila na kahit may pandemic ay may proyektong dumating sa kanila.

Happy rin sina Beauty, Jane at RK na sila ang magkakasama sa serye dahil kilala na nila ang bawat isa kaya hindi na sila hirap mag-adjust sa taping.

Samantala, hindi na rin naasiwa ang mga bida ng family sitcom na Oh My Dad na sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, at Louise Abuel sa isa’t isa dahil galing sila lahat sa Kapamilya Network.

Sey nila, work daw ang pangunahing rason kaya nila tinanggap ang offer ng TV5 at hindi anya sila nakalimot magpaalam nang maayos sa kanilang mga dating boss sa Dos at pinayagan naman sila.

Nasa OMD din si Adrian Lindayag na mula sa direksyon ni  Jeffrey Jeturian at magsisimula nang iere sa Oct. 24, Sabado, alas-5-6 ng gabi.