Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KAHIT hindi pa available ang vaccine para sa Covid-19 ay tuloy na tuloy pa rin ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ito ang inihayag ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino-Seguerra. Katunayan, inihahanda na nila ang ika-4 na edisyon ng naturang festival.
Ang ika-4 na edisyon ng PPP ay malaking pagtitipon ng iba`t ibang pelikula na magpapalabas ng hindi bababa sa 14 na pelikula —- 67 na full-length films at 78 short films.
Inaanyayahan ni FDCP Chairperson Liza ang lahat ng stakeholder na magsama-sama at magkaisa para sa local movie industry.
Ang kanilang slogan na “Sama ALL” ay gaganapin mula October 31 hanggang November 15.
“This year`s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema. The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic`s devastating effects,” say ni Chairperson Liza.
Bukod sa Sinag Maynila, QCinema, Sine Kabataan at CineMarya, kasama din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba`t ibang producer at mula rin sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, Cine Filipino Film Festival at ToFarm Film Festival. Ipalalabas ng Special Screenings section ang dinirek ni Lav Diaz na “Mula sa Mula Kung Ano ang Noon.”
Para sa updates at karagdagan sa PPP4 titles at iba pang impormasyon, bumisita lang sa FDCP channel ph o facebook.com/FDCPPPP.
***
SA Online grand presscon pa rin ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4: Sama All, nahingan ng reaction si Enzo Pineda kung saan kasama ang movie niyang He Who Without Sino na isa sa kalahok sa festival, ano ang tunay na relasyon niya kay Michelle Vito?
Naikuwento ni Enzo ang pinagdaanan niyang sakit na Covid-19 na malaki ang naging partisipasyon ni Michelle Vito nang tamaan siya ng naturang virus.
Hindi raw siya iniwan ni Michelle at binigyan siya ng lakas ng loob para labanan ang nakamamatay na virus.
Si Michelle rin daw ang isa sa mga dahilan ng kanyang paggaling.
Bago pa raw siya nagkasakit ng Covid-19 ay nagmamahalan na sila ni Michelle at lalo raw tumatag ang kanilang relasyon nang magkasakit siya at alagaan ng girlfriend.
Tinawag nga niyang Pandemic Love ang pagmamahalan nila ni Michelle.
Mapapanood ang entry ni Enzo sa FDCP Channel.ph.
***
PANAWAGAN kay Mayor Isko Moreno. Mayor, ano na raw po ang nangyari sa Senior Citizen paymaya ATM card na doon idadaan ang P500 monthly pension ng mga naninirahan sa Kamaynilaan?
Hanggang ngayon ay wala pa ring natatangap na Paymaya card ang mga senior citizen sa Maynila.
Matatandaan na yung 3 months (simula noong Jan to March 2020) ay naibigay ang cash sa mga senior pero pagkatapos ay wala nang natatanggap ang mga ito.
Dito po sa 4th district ng Sampaloc ay walang natatanggap na paymaya card kahit isang senior citizen.
Sana mabasa at makarating kay Mayor Isko ang panawagan ng mga senior citizen na naninirahan sa 4th district ng Manila.