Advertisers

Advertisers

KUMANA NA NAMAN ANG KABATAAN PARTYLIST

0 115

Advertisers

MULI na namang naghasik ng kasinungalingan ang maka-komunistang-teroristang Kabataan Partylist nang magsiwalat ito ng maling impormasyong sa paglilipat ng mga residente sa Montalban, Rizal.

Ang sabi ng Kabataan Partylist, pinipilit daw ng Philippine Army ang mga residente na ilipat o magsilipat dahil kanila na itong bobombahin para walisin ang mga New People’s Army sa lugar at maaaring maka-aapekto ito sa mga komunidad ng mga sibilyan.

Una, malaki itong kasinungalingan dahil di na kailangan ng ‘aerial bombardment’ para walisin ang NPA doon. Dahil wala ng lakas ang mga komunistang-terorista sa lugar.



Pangalawa, ang ating mga sundalo ay di kaaway ng mga sibilyan doon. Kaibigan at katulong nila ang militar sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Nagbibigay proteksiyon at alalay ang ating mga kawal sa lahat ng sibilyan doon.

Bakit magpapakalat ng ganitong kasinungalingan ang Kabataan Partylist? Bakit di man lang natin mabalitaan ang kinatawan nito na kumukundina sa mga pangaabuso at mga krimen ng NPA sa area?

Ito ba ay pagpapatunay na talagang kaalyado ang Kabataan Partylist ng CPP-NPA-NDF?

Kasi nga kapuna-puna ang mga pahayag nitong Kabataan Partylist, kumakatawan sa kabataan gayong kana naman nang kana sa pamahalaan, at di man lang makapaghayag ng laban sa mga kasamaan ng CPP-NPA-NDF.

Kaya tuloy sabi ng Legal Cooperation Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, ang Kabataan Partylist daw ay “bias” at pinagtatakpan pa ang mga kabuktutan nitong mga CPP-NPA-NDF.



Kasinungalingan daw ang mga “statement” nito na sila ay nagbabantay sa paglabag ng pamahalaan sa International Humanitarian Law pero di nakikita ang mga paglabag ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDFsa IHL.

Kinakailangan na sigurong magising na rin ang mga kabataang Filipino kung ganito ng ganito ang kanilang representante sa Kongreso. Huwag na sigurong iboto ito sa susunod na halalan, nakagugulo lamang ang Kabataan Partylist sa maayos nating lipunang ginagalawan.