Advertisers
ISINAKATUPARAN ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Acting Jail Chief Ruel S. Rivera ang isinagawang ground breaking ceremony ng Reformatory Center para sa mga PDL’s ang itatayong isolation facilty sa San Pablo City Laguna nitong Sabado ng umaga.
Sa ulat, 9:00 ng umaga nang simulan ang seremonya na dinaluhan nina San Pablo City Mayor Vicente Amante, Laguna 3rd District Congressman Loreto Amante at Mr. Larry Amante, City Administrator ng San Pablo City.
“Thank you for intentionally being with us in this event. Much of today’s celebration we owe to your willingness to share in the commitment of raising the bar of our service for our detained brothers and sisters. Your continuous support to San Pablo City District Jail we keep in our hearts!,” pahayag ni Rivera.
Sinabi pa ng acting BJMP chief na tunay nga higit na marami ang kanilang natatapos na trabaho at mas kapaki-pakinabang ang bunga nito kapag nagtutulungan ang lahat ng sektor ng ating bayan. Kaya naman mula sa amin sa BJMP sumasaludo po kami sa pagmamahal na ipinaparamdam ng ating lokal na gobyerno dito sa San Pablo City.
Pinuri din ni Rivera ang kanyang ga kasamahan sa ahensya na sina JSSupt. Ma. Arlene Gillera, Officer in Charge ng BJMP Calabarzon, JSSupt. Ambrocio Ambulan, Assistant Regional Director for operation, JSupt. Neil Felipe Ramo, Regional Chief of Staff, Father Franquilino Taeza, Regional Chaplain, JSupt. Eric Agagon, warden ng San Pablo City District Jail Male Dormitory, SJO2 Marian Manset, Warden ng San Pablo City District Jail Female Dormitory at sa lahat ng Jail Personnel para sa sama-samang pagsusumikap na makumpekto ang isolation facility.
“One of the ways we intend to address the many prevailing concerns and challenges in the jail, is providing decent and appropriate living quarters for them, according to their respective classifications, as to their health needs, risk group, and other emerging considerations for segregation,” saad pa ni Rivera.
Ayon pa kay Rivera na ang pagtatayo ng isolation facility ay nagbabawas sa mga panganib at banta ng posibleng at higit pang pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa populasyon ng PDL, lalo na sa mga masikip na lugar tulad ng ating mga kulungan.
“Naging saksi at bahagi tayong lahat sa pag-kukumahog natin noong panahon ng pandemya, upang mag-talaga ng make-shift isolation rooms para sa mga PDL at maging sa mga kasamahan nating nagkaroon ng COVID,” dagdag pa ng Heneral.
Sa kasalukuyan nagsusumikap ang BJMP na makapagpatayo ng kabuuang 31 na isolation facility sa buong bansa.
“Mapalad tayo dahil kahit wala pa tayong nai-patayong isolation wards noon, napigilan pa rin natin ang kinatatakutan ng lahat: ang malawakang paglaganap at pagkahawa ng mga PDL sa loob ng mga kulungan. Well, we have a very stable BJMP leadership and a courageous human resource to thank. Siyempre, malaking bahagi riyan ang BJMP CALABARZON.” paliwanag pa ni Rivera.
Nabatid na una nang pinasinayaan nitong nakalipas na taon, ang Malaybalay City Jail Reformatory Center sa bahagi ng Mindanaon at posibleng sumunod na dito ang Argao District Jail Reformatory Center, sa bahagi naman ng Visayas.(Ernie dela Cruz/Fred L. Salcedo)