Advertisers

Advertisers

Malacañang suportado ang hosting ng bansa sa FIBA Basketball World Cup

0 133

Advertisers

NAKIPAGPULONG sa Malacañang ang binuong inter-agency task force ng FIBA Basketball World Cup para matiyak ang kahandaan ng hosting ng bansa.

Pinangunahan ni Senior deputy executive secretary Hubert Guevara ang pulong sa Inter-agency task force na pinangungunahan ng Philippine Sports Commission.

Kasamang dumalo sa pulong sina PSC chairman Richard Bachmann, commissioner Bong Coo, Fritz Gaston, Walter Torres, Edward Hayco at mga liders at representatives ng iba’t-ibang government agencies.



Sinabi ni Guevara na tiniyak sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang buong suporta na ibibigay sa task force para maging matagumpay ang hosting ng bansa ng prestisyosong event.

Magugunitang isa ng Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia na napiling host ng FIBA World Cup na gaganapin sa Agosto.