Advertisers
MATAPOS ang matagumpay na kampanya bilang kampeon ng Lion Cup Invitational 9-Ball Championship sa Singapore,popokus naman si lady pool shark Denden Santos sa isang dambuhalang lokal na torneo ng mga pinakamagagaling na bilyaristang lalaki at babae sa bansa.
Prayoridad ng 26-anyos na Entrepreneurship graduating student ng Polytechnic University of the Philippines na si Santos sa 2023 Philippine 9- Ball Open sa Sharks Billiards Hall sa Quezon City mula Abril 22 hanggang 28.
” Konting pahinga lang then focus na para sa ‘ Open’ na kailangang lahukan dahil magsisilbing ranking event ito ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines ..sargo uli tayo!, wika ng pride ng Pateros na lumaki at unang naglaro ng larangan sa bilyaran ng kanyang ama sa kanilang komunidad.
Ang pagsisikap ni Santos ay bahagi ng kanyang ambisyong makalaro para sa bansa tulad ng SEAGames Asiad at World Championship.
Ang Philippine 9-Ball Open ay suportado ng Bugsy Promotion,Hardtimes,V-Lugaw,Hardtimes at Sharks. (Danny Simon)