Advertisers

Advertisers

UNIFIED SYSTEM SA GOV’T AGENCIES ISINUSULONG NI PBBM

0 124

Advertisers

Mariing ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layon nitong matiyak na mas magiging madali ang pagnenegosyo sa bansa, gayundin sa mga transaksiyon sa gobyerno.

Sa sectoral meeting sa Palasyo, binigyang diin ng Pangulo na mas maigi kung mayroong sistemang sinusunod ang mga government agencies.



Kasalukuyan na aniyang isinasaayos ng Department of Information and Communications (DICT) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang paggamit ng iisang sistema sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa ginanap naman na pulong na dinaluhan nina DTI Secretary Alfredo Pascual, DILG Sec. Benhur Abalos, DICT Usec. David Almirol Jr., ARTA Director General Ernesto Perez at Customs Commissioner Bienvenido Rubio, mariin ding inatasan ni Pang. Marcos ang mga kinauukulang ahensya na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng business permits and licensing systems.

Kabilang sa mga planong isulong na pagbabago ay ang pagbabawas sa mga requirements at processing time sa pamamagitan ng data sharing kung saan ang mga mga dokumentong naisumite na sa isang ahensya ay hindi na hahanapin pa o hindi na kailangang isumite rin sa iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Samantala, inihirit naman ng ARTA kay PBBM na rebisahin ang Executive Order (EO) No. 482 series of 2005.

Ang hakbang ay ginawa matapos magbigay ng ‘go signal ang Presidente para sa implementasyon ng single operating system sa lahat ng mga transaksiyon sa gobyerno.



Sa kanilang pulong kasama ang Pangulo, binanggit ng ARTA na nakasentro lamang ng EO 482 sa paglikha noon ng National Single Window Task Force for Cargo Clearance o NSW Task Force.

Mahalaga, ayon sa ahensya, na magkaroon ng revision para maging akma ang EO sa isinusulong na digitalization ng pamahalaan at mas magiging madali ang pagnenegosyo sa bansa.

Sa pamamagitan ng unified system sa lahat ng government transactions, inaasahan ng ARTA at DICT na mapapabilis din ang pagpoproseso sa mga nilalakad na papeles sa gobyerno. (GILBERT PERDEZ)