Advertisers

Advertisers

Jeremiah magpapaseksi sa major concert

0 135

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

WAGI ang The Clash season 1 grand champion na si Jeremiah Tiangco bilang New Male Recording Artist Of The Year sa 13th Star Awards for Music ng PMPC o Philippine Movie Press Club.
Ginanap ito nitong Oktubre 13 ng nakaraang taon sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts at ito ay para sa kanta ni Jeremiah na Titulo sa ilalim ng GMA Music.
“Actually po sobrang surreal dahil that night I was told na I’ll be singing for PMPC, sabi sa akin ng handler ko. So wala po akong ini-expect na award dahil iyon nga, ang alam ko, nominated ako pero hindi po ako nanalo.
“Kasi sabi niya sa akin, ‘Oh, kakanta ka,’ ganito, pinaghandaan niya po ako ng song, pinag-send niya ako ng minus 1, ng lyrics, lahat!
“So pagpunta ko dun, na-shock ako dahil, ‘Bakit tinatawag yung name ko?!’
“Tapos iyon na po. Hindi ko po alam yung exact na naramdaman ko that night dahil parang, ‘Ha? Ako, nanalo ako? Paano?’
“Parang may ganung factor,” tumatawang kuwento ni Jeremiah.
“So iyon siguro, feeling ko, till now, kaya ko siya dito dinisplay dahil gusto ko lang siyang maging motivation araw-araw and inspiration araw-araw to make music pa.
“Dahil hindi tayo dito titigil,” pagtikoy niya sa award niya mula sa Star Awards, “dapat mas marami pang ganito, di ba?
“So ayun po.”
Isa pang milestone sa career ni Jeremiah bilang singer ay ang una niyang major concert sa Sabado, April 15 na gaganapin sa Music Museum, ang Dare To Be Different na guests niya sina Christian Bautista, Jessica Villarubin, Garrett Bolden, Vilmark Viray, Mariane Osabel, This Band, The Viktor Project, Rob Deniel, Magnus Haven at si Ken Chan.
Si Jeremiah ang direktor ng kanyang sariling concert katuwang si Lee Junio Gasid.
Samantala, binanggit namin kay Jeremiah na sa poster ng concert niya ay napansin namin na huma-Harry Styles ang kanyang outfit; flamboyant at out-of-this-world na maituturing ang karamihan sa sinusuot ng international concert performer at dating One Direction member sa kanyang mga shows sa iba-ibang bansa.
Sa concert ba ni Jeremaiah ay sexy at medyo kakaiba rin ang kanyang mga isusuot?
“Siguro po medyo kakaiba, medyo mas more on R&B-type, parang mga street wear po, e. Medyo ganun po yung style ng damit.
“So like kunwari sa coat, hindi lang siya basta coat, oversized, more colors, tapos… basta! Sobra-sobrang karakter kumbaga itong mga ginawa ng ating mga stylist.”
May mga outfits ba siyang kita ang kanyang…
“Skin,” pagsalo ni Jeremiah sa aming sasabihin. “Wala naman akong abs e,” at tumawa ang Sparkle singer. “Pero skin yes, meron.”