Advertisers

Advertisers

Alex Eala umakyat sa No. 2 sa world junior rankings

0 180

Advertisers

UMAKYAT ang Filipina teenager na si Alex Eala sa No.2 sa world tennis tour junior rankings matapos ang kanyang magilas na laro sa katatapos na French Open.
Nakaipon si Eala ng 2148 points sa buwan ng October 12, sa likuran ni Elsa Jacquemot ng France na may 2261.25 points.
Dinaig ni Jascquemot si Eala sa French Open semifinal para masungkit ang junior Grand Slam.
Sa Facebook, ipinahayag ni Eala ang kanyang kaligayahan sa kanyang “amazing week”.
“Happy with my performance and thank you again for all your support,” wika ng 15-year-old.
Nadagdagan ng 2 points si Eala sa rankings upang maging unang Filipina na nakarating sa semifinals ng junior Grand Slam sa loob ng 35 taon.