Advertisers

Advertisers

Babae sakay sa SUV binaril-patay ng riding-in-tandem

0 385

Advertisers

PATAY ang isang 46-anyos na babae nang pagbabarilin ng riding-in tandem sa Barangay Baclig, Cabugao, Ilocos Sur nitong Miyerkules, Hulyo 29.
Kinilala ang biktima na si Eileen Joy Paat Paligutan, residente ng Bgy. Baclig.
Sa ulat, bago ang pamamaril, namataan ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na pabalik-balik sa lugar.
Napag-alaman na kagagaling lang ng biktima sa isang business establishment sa nasabing lugar at pagsakay nito sa kanyang SUV, lumapit ang isa sa mga salarin at sunod-sunod pinutukan ang biktima. At agad na tumakas ang mga hindi nakilalang gunmen.
Patuloy ang ginagawa imbestigasyon ng Cabugao Police sa krimen. (PTF team)