Advertisers
MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Oktubre 12.
Sa tala ng DOH, 3,564 na kaso pa ang nadagdag sa kasulukuyang bilang ngayon na 342,816 covid-19 case.
Nasa 150 naman ang mga gumaling na pasyente sa naturang sakit kaya umabot na sa 293,152 ang recoveries.
Sa 3,564 reported cases ngayong araw, 3,197 (90%) ang nangyari sa nakalipas na dalawang linggo kung saan ang NCR ang may naitalang maraming bagong kaso na may 1,163.
Habang sa Region 4A ay 786 at Region 6 na 347.
Mababa naman ang naitalang karagdagang deaths kumpara kahapon kung saan mayroon lamang 11 deaths ngayong araw para sa kabuuang 6,332.
Sa karagdagang bilang na ito, 8 ang pumanaw ngayong October 2 noong August at 1 noong July.
Sa Region 11 naman nagmula ang 11 deaths, Region 4A na may 3 habang 2 sa Region 1 (at tig-1 naman sa Region 10 at CARAGA. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)