Advertisers

Advertisers

Dingdong at Jennylyn inaabangan na ng fans ang pagbabalik-teleserye

0 247

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

THE long wait  is finally over dahil balik-telebisyon na ang well-loved Pinoy adaptation na Descendants of the Sun simula October 26 sa GMA Telebabad.

Muling magpapakilig gabi-gabi sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Captain Lucas Manalo or Big Boss at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Dr. Maxine Dela Cruz or Beauty.



Tiyak na sulit ang paghihintay ng loyal viewers at fans dahil maging ang buong cast ay excited at looking forward na rin na maghatid ng world-class entertainment sa lahat.

Abangan at tutukan ang pinakaaabangang pagbabalik-telebisyon ng Descendants of the Sun Ph ngayong Oktubre 26 na sa GMA Telebabad.

***

IKINUWENTO ni Betong Sumaya sa GMA Artist Center show na Quiz Beh ang kanyang paraan para masigurong nabibigyan niya ng pansin ang kanyang mental health. Inamin niya na may pagkakataong iniiwasan niya munang manood ng balita.

“May times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang ‘yung cases nararamdaman mo,” paliwanag niya.



Binigyang-diin ni Betong na malaking tulong ang pagdarasal sa mga oras na nakakaramdam ng lungkot at may mga pagsubok sa buhay.

“‘Yung faith mo talaga kay Lord…. wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga ‘di ba, sa dami ng mga nangyayari sa atin.”

Bukod dito, malaki rin ang pasasalamat ng Kapuso comedian sa nagagawang tulong ng technology para makausap ang kanyang pamilya.

Aniya, “Ako po, home alone talaga ako; 7 months na akong home alone dito sa Quezon City. Pero siyempre, I have to make a way na makausap ko ‘yung family ko so very thankful ako na meron tayong Facetime at iba’t ibang ways na makausap sila.”

***

NA-miss daw talaga ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang pag-arte.

“Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes. Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin. After noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte noh?’ Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script.

“Pero ‘yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena,” kuwento ni Barbie sa interview ng GMANetwork.com.

Dagdag ni Barbie, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Maraming fans ni Barbie ang excited na sa pagpapatuloy ng kuwento ng  ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.’