Advertisers
NAKATAKAS ng dalawang Korean nationals sa kulungan ng Criminal Investigation and Detection Group District Field Unit Detention Cell sa Southern Police Distirct Compound, Ford Bonificao, Taguig City.
Kinilala ang mga nakatakas na preso na sina Hyeok Soo Kwon at Yeong Jun Lim.
Sa report, naaresto ang mga pumuga noong June 22, 2020 sa Parañaque City dahil sa paglabag sa RA 8484 in relation to RA 10175 at Slight Illigal Detention.
Kapwawanted ang dalawa sa Korea na nahaharap sa kasong Telephone Fraud na mayroon 10 taon pagkakabilango sa kanila sa Red Notice ng Interpol.
Ayon sa ulat, nagpanggap si Lim na tutungo ng banyo dahilan upang buksan ng jailer ang padlock ng selda.
Nang mabuksan ang pinto ng selda, biglang pinagtulungan ng dalawa na bugbugin ang nakatalagang guwardiya.
Tinangay ng dalawa ang baril ng jailer na mabilis na tumalon sa 2nd flr. ng CIDG Southern DFU Office.
Sa follow up operation ng mga awtoridad, nadakip si Soon na nagtatago sa construction site sa Lawton Ave., Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad si Lim.
Pangsamantala ni-relieve sa duty at isinailalim sa restrictive custody ang nakatalagang jailer habang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente. (Mark Obleada)