Advertisers
UMABOT na 4,594 pulis ang sinibak sa serbisyo matapos mapatunayang nasangkot sa mga katiwalian.
Ito ay kaugnay sa halos apat na taon nang pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) Internal Cleansing Program.
Sinabi ni PNP Chief, General Camilo Cascolan, na ang bilang ng mga pulis na nasibak sa serbisyo ay mula sa 15,768 pulis na sinampahan ng kasong administratibo.
Nasangkot ang mga ito sa criminal activity katulad ng illegal drugs, grave misconduct, serious neglect of duty, serious irregularity, malversation, dishonesty at graft and corruption.
Batay parin sa bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo, 7,888ang sinuspinde,846 na-demote, 608 binawian ng sweldo at 119 restricted sa quarters.
Natukoy rin ng PNP sa bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo na 549 ay may kasong may kinalaman sa droga, 410 positibong gumagamit ng droga at 139 sangkot sa illegal drug activities.