Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MASAYA for sure ang BeaRald sa balikan blues nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Trending sa social media na nagkabalikan na nga raw sina Bea at Gerald.
May sitsit na binigyan daw ng peace offering na singsing ni Gerald si Bea na tanda na magbabago na ito at never na titingin sa iba.
Tatlong iba’t ibang klase ng singsing ang ibinigay ni Gerald kay Bea at sa tatlo kaya ay nandun na ang engagement ring?
Kaya ganun na lang ang kagalakan ng followers ng BeaRald dahil tunay raw na bagay ang dalawa.
Inamin ng aktres na never ito mabubuhay na walang magmamahal at mamahalin.
Sa kabila na laging pinatatawad ito ni Bea dahil mahal niya si Gerald at pangatlong pagpapatawad na nga raw ito.
May umalma naman na netizens na baka nga raw umabuso si Gerald sa laging pagpapatawad ni Bea.
Wish ng BeaRald followers na sila na talaga forever.
Kapwa wala pa ring kumpirmasyon sa tsikang nagkabalikan na ang dalawa pero ang larawan na magkasama sila sa post ay nagsasaad na sila na ulit.
***
NAPAULAT na nag- back out ni Marian Rivera sa kanyang comeback serye, ang First Yaya with Gabby Concrpcion sana.
Nagpahayag si Marian na never niya kaya or kakayanin na malayo sa dalawang anak na siya mismo ang nag-aaruga.
Lock in kasi ang teyping na dahilan para ayawan nito ang lead role sa nasabing serye.
Matapos mag- backout ay nakahanap na ng kapalit sa esmi ni Dingdong Dantes na gaganap na Yaya.
Si Sanya Lopez na nga ang magiging Yaya para sa series na First Yaya.
Hindi naman big deal kay Sanya kung second choice lang ito ni Marian.
Sa dami nga raw ng mga Kapuso stars ay masuwerte na siya ang napili o napasakanya ang role na dapat ay kay Marian.
Well, well, well…’Yun na!