Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
AMINADO si Tony Labrusca na gulong-gulo ang isipan niya nu’ng hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS CBN.
Na-confuse siya kung mananatili pa ba siya sa Kapamilya network, o lilipat na lang ng ibang istasyon o management, gaya ng ginawa ng ibang talents ng ABS-CBN.
“Ipinag-pray ko lang din po ‘yon na parang, honestly, during this time kasi, gulung-gulo din ako kung anong gagawin kasi ang dami lumilipat. Honestly, meron din po akong naging offers sa ibang network and sa ibang agencies,” sabi ni Tony sa interview ng Pep.ph
Nakatulong ang dasal kay Tony na naging dahilan para magdesisyon siyang manatili sa ABS-CBN.
“Ipinag-pray ko iyon, sabi ko, ‘Lord please help me decide kasi I honestly don’t know what to do. What’s meant to be is meant to be na lang, so it all ended up working out na I’m meant to stay lang talaga dito.
“I’d like to think na si Lord lang talaga iyong gumawa ng paraan kaya nag-stay ako kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ‘yong tamang decision.”
Tama lang na manatili sa ABS CBN si Tony dahil hindi naman siya nito pinababayaan. Lagi siyang binibigyan ng show. In fact, isa siya sa lead star sa bagong serye ng Dos na Bagong Umaga, na mapapanood na sa October 26 sa Kapamilya channel.
Kasama rin siya sa horror film na U-Turn mula sa Star Cinema, na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Mapapanood na ito sa October 30 sa KTX at iWant TFC.
***
SEAN DE GUZMAN BAGONG PANTASYA NG MGA BEKI
ANG isa sa member ng Clique V na si Sean de Guzman ang napili para maging lead actor sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na ididirek ni Direk Joel Lamangan.
Ito ang sequel ng Macho Dancer, na pinagbidahan noon ni Allan Paule. Kasama pa rin sa pelikula si Allan bilang tatay ni Sean.
Ang nasabing pelikula ay mula sa The Godson ni Joed. Sina Joed, Direk Joel at Grace Ibuna ang pumili kay Sean para sa role. Bukod sa nagpakitang gilas kasi sa pag-arte during audition, may hawig siya kay Allan. Bagay silang mag-ama.
Asahan nang magiging daring sa Anak ng Macho Dancer si Sean Siguradong siya na ang bagong pagpapantasyahan ng mga members ng ikatlong lahi.
Si Sean ay nasa pangangalags ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms.Len Carillo. Siyempre pa, sobrang proud si Ms.Len kay Sean na ito ang napili para magbida sa Anak ng Macho Dancer na anytime soon ay gigiling na ang kamera, di ba friend Roldan Castro?