Advertisers
NASAGIP na ang 15 sa 17 tripulante ng isang fishing boat na tumaob sa baybaying sakop ng Pangasinan.
Unang iniulat na 16 ang crew ng fishing boat na F/B Aqua Princess kasama ang dalawa na humingi ng tulong sa PCG Infanta Substation, ngunit nilinaw ng PCG na 17 lahat ang crew kasama ang kanilang kapitan.
Ayon sa PCG, nasagip ng MV Kumano Maru na isang Panamanian bulk carrier ang mga mangingisda.
Patungo ang barko sa Australia mula sa China nang mamataan ang mga mangingisda na palutang-lutang habang nakakapit sa tumaob nilang bangkang pangisda sa tinata-yang 75 NM West ng Agno, Pangasinan.
Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa kapitan ng MV Kumano Maru, habang naka-standby naman ang BRP Ma-lapascua, MRRV 4403 sa Rendezvous area sa Bataan para kunin ang mga nasagip na mangingisda.
(Jocelyn Domenden)