Advertisers
ARESTADO ang 45-anyos na negosyante na Number 4 Most Wanted Person sa operasyon ng mga tauhan ng Sariaya PNP sa Sitio Pulo, Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon.
Kinilala ang naaresto na si Enrico Rosales Serenilla alyas ‘Barok’ na may kasong murder nang pagsasaksakin at mamatay ang isang Leandro Ebora Manigbas noong 1999.
Sa ulat ni Quezon Police Provincial Director, Colonel Audie Madrideo, inaresto si Serenilla bitbit ang warrant of arrest sa kanyang tinutuluyan sa Sariaya.
Nakakulong na sa Sariaya Municipal Police Station Custodial Facility si Serenilla.(PFT team)