Advertisers

Advertisers

PEOPLE POWER SA DAVAO CITY

0 234

Advertisers

MAY nararamdaman kami na kakaiba sa Davao City. Alam ng grupong Inferior Davao na tagilid ang bangka sa pagsulong ng sakdal na crimes against humanity na iniharap sa kanilang poon na si Rodrigo Duterte at mga kaalyado. Kung laro ito ng sakla, hindi sa kanila ang baraha at lalong hindi sa kanila ang balasador. Kumakapa sila sa dilim. Hindi nila alam kung ano ang sasapitin ng sakdal at lalong hindi nila alam ang gagawin upang kontrahin ito.

Nasa estado ng formal investigation ang sakdal. Desidido ang ICC na isulong ang pagsisiyasat sa kanila. Nanang ibinasura ng ICC ang apela ng Filipinas na mabalam ang formal probe. Alam ni Duterte, Bong Go, at Bato dela Rosa na mabigat ang hawak ng mga taga-usig ng ICC laban sa kanila. Maraming ebidensya laban kay Duterte at mga kasapakat sa madugo ngunit bigong digmaan kontra. Takot na takot sila at makikita ang labis na takot sa mga buhol-buhol na pahayag ni Bato at Bong Go.

Unang-una ang 188-pahina na affidavit ni SPO3 Arturo Lascanas, ang pulis na malapit kay Duterte ngunit kumalas noong 2017. Idinetalye ni Lascanas ang operasyon ng Davao Death Squad (DDS). Isiniwalat ni Lascañas mga pangunahing karakter na bumubuo ng DDS at kahit ang ilang sibilyan na player. Ibinida ni Lascanas ang mga ginawa ni Duterte sa Davao City.



Star witness si Lascanas sa sakdal at nakatakas siya noong 2017 . Pumunta siya sa Europa upang maging testigo sa sandaling iutos ng ICC na litisin si Duterte at mga kasapakat. Maraming information ang isinumite sa ICC na magdidiin kay Duterte at mga kasama.

Hindi namin nakikita si Duterte na umalis ng bansa upang humingi ng political asylum sa China o Russia, ang dalawang bansa na maituturing na naligaw ng landas sa usapin ng pandaigdigang kaayusan. Sila ang mga bansa na itinuturing na kaaway ng international community dahil sa kanilang mapanuwag na patakaran.

Nakikita namin ang scenario na mananatili si Duterte at mga kasapakat sa Davao City dahil hindi siya nakakasiguro sa kanyang kapalaran kung aalis sila ng bansa. Pipilitin nila na kumuha ng awa at proteksyon sa mga tao sa Davao City. People power sa Davao City, sa maikli.

Maraming tanong at puna sa isyung ito. Handa ba ang mga taga-Davao City na ipagtanggol sila? Wala sa kultura ng mga taga-Davao City ang lumalabas sa lansangan upang proteksyonan ang mga pulitiko. Hindi namin batid kung lalabas nga ang mga taga-Davao City para sa mga nilalang na pumuksa sa kanila na parang manok. Hindi yata tama.

***



SA NAGDAANG panahon, sumibol ang maituturing na kulturang kriminal sa mga DDS operatives at civilian multipliers. Mayroon silang sariling wika at salita na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa kanilang grupo. Mayroon silang sariling halagain (values) na kinakapitan para sa kanilang mga operasyon. Kasama ito sa pinalawak na affidavit ni Lascanas na isinumite sa ICC noong 2020. “Superman” ang taguri kay Alkalde Rodrigo Duterte, “Balite Tree” ang City Mayor’s Office at the City Hall of Davao. “Hapon” ang bansag kay Major Ernesto Macasaet, isa sa mga orihinal na kasapi sa DDS. “Karabao/Kabaw” ang may apat na gulong na gamit sa DDS operations. “Kabayo” ang motorsiklo.

Binanggit ng sinumpaang salaysay ni Lascanas ang mga salitang madalas gamitin sa mga operasyon ng DDS at kultura: “trabaho,” operasyon sa pagpatay; “neutralize,” pumatay kahit sa anong paraan; “salvage,” isa pang ang katumbas ay patayin; “pintik,” patayin sa pamamagitan ng pagbaril; “tosok,” patayin sa pamamagitan ng pagsaksak; “bonlot,” dukutin ang isang target; “hipos tanan” or “erase,” patayin lahat at huwag magtira ng buhay; “player”/”abantero,” ang hitman o babaril; at “labyog,” patayin at itapon ang bangkay sa lugar na sakop ng Davao City.

Ang ibang salita, sapat sa affidavit: “bonglo,” ilibing ang biktima ng pagdukot sa alinman sa mass graves sa Davao City o ihagis at itapon ang bangkay sa karagatan ng Davao gulf area; “bagahe” o “basura,” bangkay ng biktima ng pagdukot, dinala sa Laud quarry mass graves, Barangay Mandug mass graves, Barangay Ma-a mass graves, at Davao gulf area; “nueve,” baril na may kalibre .45; “songkod” o “binagha,” assault rifle/long firearm; “salida,” magpalabas ng shoot-out scenario o “nanlaban; “liso,” bala; “bala,” financial logistics (pera); “subject” o “target,” ang tao na sisiyasatin, mamanmanan, dudukutin, o papatayin ng DDS; “ohos,” fake money or fake information (Fake ID); “bongol,” hindi alisto; “tanom,” magtanim ng ebidensya; at “butang,” shabu o meth.

Kasama ang mga salita: “gamit,” kasangkapan sa pagpatay; “area,” “bukid,” “dagat,” ang mga pinaglilibingan ng mga bangkay tulad ng Laud quarry mass graves, Barangay Mandug mass graves, at ang Davao Gulf area sa Samal Island; “manho na,” inilibing ang bangkay ng biktima ng DDS; pagtatapon ng bangkay ng dinukot ng DDS sa mga creek, ilog, tagong lugar sa dagat o lupa; at mga salitang ginagamit bilang tugon mga tanong ni SPO4 Buenaventura lalo na sa estado ng DDS operatives: “trabaho;” “soyop,”inuman; “tolak”, “zombie, drug pusher, user; “swimmer,” taong bumibili ng shabu;“tago,” safehouse; “ebay,” babae; “gilok,” magnakaw at mangholdap; “atab,” informer; “Sunog,”burnout/expose; “pakurat,”allowance; at “basura” o “garbage,” mga taong buhay na papatayin at ililibing.

Ani Lascanas: “It was Mayor Rodrigo Roa Duterte, himself, who advised us (DDS group) to use parlance or jargon within the ‘Death Squad’ members during killing operations in Davao City, in order to block the understanding and perceptions of anyone not a member of his ‘Death Squad’ either they be civilian or policemen, of what we’re talking about, and turned them blind of our evil deeds, so that no truth would be revealed. Mayor RRD’s most common jargon he used in ordering our group to kill somebody was ‘neutralize’ and ‘erase,’ if it was mass executions.

Aniya: “The Duterte Death Squad or Davao Death Squad operated in a minimum of three persons and a maximum of ten persons. Usually, there were only one or two designated shooters (hitmen) and the rest were back-up and perimeter security. DDS operatives, upon receiving Mayor Duterte’s order or clearance to kill somebody, the team leader would appoint someone within the group to conduct reconnaissance and monitoring on the target person. Upon completion of all the vital information about the ‘target,’ our overall DDS Team Leader SPO4 Cloribel would appoint the policeman-handler of the designated ‘Abantero’ (Shooter/Player/Hitman) as the team leader of the hit group. If the ‘target’ was a low profile individual, the number of the hit-team was usually three to five persons. If the ‘target’ was a high-profile individual, armed or with bodyguards or companions, the DDS hit team was usually not less than ten fully-armed persons.”

Halagain ng mga DDS operatives ang turo umano ni Duterte na wala silang iiwan na buhay sa mga operasyon ng DDS. Aniya: “In several occasions during our operations, Mayor Duterte would always remind us: ‘Hotda gyud ninyo ug patay tanan. Ayaw gyud mo pagbilin nga duna pay buhi para walay ebidensya mabili,’ (or kill everyone. Leave no one alive, so there would be no evidence). This has become our DDS motto.”